"Pabili. Marlboro gold nga po." sabi ko. "Ano?" sabi ng tindera. "Marlboro gold po!" sinabi ko nang mas malakas. "Lakasan mo kasi!" pagalit na sinabi ng tindera sabay abot sa 'kin ng Marlboro Menthol.
- Mas mabuti ang pagunawa kaysa pakikinig.
"Pare punta ka dito kila Bing, nandito kami lahat" sabi sa 'kin ni Kim. "Ano meron dyan?" tanong ko. "Punta nga kami lahat dito walang tao sa bahay nila." sagot nya. "Ano ba yan! Pwede pa ba bukas yan? May pasok ako ngayon eh." hindi nagreply si Kim matapos ang ilang minuto, sabay... "Punta ka na daw dito tae!" Hindi na ko nagreply...
- Maigsi lang ang buhay, isipin mong mabuti kung saan mo lulustayin.
"Miss, how much yung cheapest room nyo?" tanong ko. "Sir, it depends po. 3K per month po ang bedspace, 6k po ang room, good for two." sagot ng sales lady. "Meron ba kayong studio type na apartment dito?" tanong ko ulet. "Meron po sir! For as low as 15k per month may makukuha na po kayong studio type at fully furnished na sya!" dagdag ng babae. "Ah, OK" sabi ko.
- Hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo dahil hindi lahat ng bagay ay para sayo.
"Lek, san ka punta?" tanong ng boardmate ko. "Bibili ng C2 sa Mercury" sagot ko.
- Kahit sablay sa logic, minsan kailangan ng shortcut.
Rex: Lek, ano yang pinapanood mo?
Lek: ...
Rex: Anu title nyan Lek?
Lek: ...
Rex: Kumain ka na?
Lek: ...
Rex: Suplado!
- Paminsan minsan kailangang maging manhid para may maipadama.
