Ano naman yan? Tatawag lang naka-hang pa. (bulag ka ba? Tignan mo at activated ang headseat! Umayos ka nga!)
Ano nga ba ito para sa iyo? Kung hindi mo alam ang ibig sabihin nito (kung call boy/girl ka dapat alam mo ang ibig sabihin nito), ewan ko sayo… Lolz… Ayokong ipaliwanag dahil hindi mo rin maiintindihan. Gusto ko lang iparating sa iyo na paminsan minsan kailangan mo din ‘to. Narinig mo na yung kantang “Petix” ng Kamikazee? O, may ideya ka na? “…relax ka lang, easy lang, pumetix ka naman…” Naalala mo yung commercial ng KitKat™? “Have a break, have a Kitkat”.
E ano ba talaga’ng gusto kong sabihin? WALA! Gusto ko lang magrelax, kailangan mo din yan. Let me elaborate: Fifteen minutes, hindi nga kami kuntento pero malaking ginhawa na rin yun para matakasan panandalian yung mga bagay na ginagawa namin, na nagpapahirap samin, nagbibigay ng stress, ng konsumisyon, ng pagka-badtrip, ng kung ano anong masasamang panunumpa, ng samu’t saring salitang nabubo sa halo halong galit, tuwa, poot, saya na nararamdaman habang kausap ang mga tatanga-tangang Kano. Pero “at the end of the day”, o kaya habang naka-AUX 3 (ibig sabihin, break time) maiisip ko na lang, ang lahat ng iyan pala ang nagbibigay sakin ng pambili ng yosi sa kanto, ng Cobra energy drink kay Kuya Joseph, pambili ng load pang-text at pang-surf sa internet para makapagpost sa blogspot, pang-gas ng motor pag pupunta sa Baywalk para mag-emote, pambili ng siomai-rice pag nagugutom, pambili ng solution sa contact lense ko, at pati na rin ng contact lense, pambili ng battery sa wireless mouse ng laptop ko, at pinambili na rin ng laptop.
Akalain mo yun? Sa loob ng labinlimang minuto, nakakaisip ako ng mga bagay na masasabi kong makabuluhan, mga tunay na aral ng buhay, mga bagay na dapat pahalagahan.
teka lek bakit di ko naisip to?
ReplyDeletehahaha! this one's' nice ^_^
ReplyDelete